Advertisers
Arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Marawi City ang isang battalion commander at sub-commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa iligal umano na pagbebenta ng mga baril.
Naaresto ang battalion commander sa isinagawang undercover operation ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Marawi City noong Lunes.
Sa isa pang operasyon sa Marawi City, naaresto rin ng CIDG ang isa pang miyembro ng MILF na may ranggong battalion sub-commander dahil sa pagbebenta umano ng armas.
Samantala, sinabi ng PNP na posibleng isailalim sa election areas of concern ang Bangsamoro Autonomous Region kaya naman mahigpit na binabantayan ng PNP at COMELEC ang lugar.