Advertisers

Advertisers

Lalaking titser hinahalay mga estudyante, kapalit ng P300-P500

0 12

Advertisers

Inaresto sa kaniyang bahay ang isang guro sa panghahalay sa kaniyang mga estudyante. Ang mga video at larawan ng mga biktima, ikinakalat pa umano sa internet sa Balingasag, Misamis Oriental.

Sa ulat, pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ng 43-anyos na suspek sa Barangay Waterfall dala ang search warrant.

Sa naturang operasyon, nasagip ng mga awtoridad ang anim na menor de edad na apat na lalaki at dalawang babae.



Nakuha rin sa bahay ang mga gadget na naglalaman ng sensitibong videos ng mga biktima na kasama ang suspek, na isang guro sa isang public elementary school sa naturang lalawigan.

“Ginagalaw niya talaga ‘yung mga bata [na] masama man pakinggan lalo na’t naka-public yata tayo pero ‘yun ang ginagawa niya sa mga bata. Nagkakaroon ng sexual activities with these minor victims,” ayon kay PNP-WCPC Mindanao Field Unit Chief, Lieutenant Colonel Mario Baquiran.

Ayon sa pulisya, inamin umano ng suspek na binibigyan niya ng P300 hanggang P500 ang mga biktima matapos gawan ng kahalayan.

“Inamin mismo ng suspek na bawat galaw niya sa mga bata binabayaran niya ng P300 up to P500 ‘yun ang mga binibigay niya. So siguro ang mga bata nagkakapera rin sila kaya ok lang sa kanila na nangyayari ang ganitong sitwasyon,” sabi ni Baquiran.

Mahaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act (RA 11930).



Ipinayo ni Baguiran sa mga magulang na alamin kung saan magpupunta ang mga anak lalo na kung weekends.

Sa kaso ng suspek, sinabi nito na nagagawa nitong utusan ang kaniyang mga estudyante na papuntahin sa bahay niya at doon inaabuso ang mga biktima.