Advertisers

Advertisers

Prinsipal minolestiya 4 estudyante

0 36

Advertisers

Inaresto ang isang high school principal nang molestiyahin ang apat na menor de edad na estudyante sa isang pampublikong paaralan sa Quezon City.

Ayon kay PLt. Col. Macario Loteyro, Station Commander ng QCPD Station 15, Sabado noong nakaraang Linggo, Sept. 28, nangyari insidente.

Pawang mga lalaking Grade 10 students ang biktima kung saan tatlo ang 15 taong gulang at isa ang 17 taong gulang.



“Pinatawag sila ng kanilang principal na may ipapagawa sa kanila. ‘Yung isa nga inutusan magluto ‘yung iba naman naglilinis… personal na utos ng suspek natin. ‘Yung isa doon ang unang nabiktima doon 17-year-old nga ginawan ng isang kahalayan nasundan pa nung tatlo pa,” sabi ni Loteyro.

“Yung huling menor de edad na victim natin tumakbo at naitulak itong suspek at diretso nagsumbong sa kanyang mga magulang.”

Nahuli sa follow-up operation sa kanyang bahay sa Cainta, Rizal ang 59-anyos na suspek ng araw din iyon.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Nakakulong na ang suspek na nasampahan na ng reklamong Lascivious Conduct in relation to The Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.



Nakarating na rin sa kaalaman ng Department of Education (DepEd) ang insidente.

Ayon kay Dennis Legaspi, Media Relations Chief ng opisina ni DepEd Secretary Sonny Angara, iimbestigahan nila ang nangyari at hinihintay na lang nila ngayon ang incident report galing sa Schools Division Office sa Quezon City

“We have not yet received a report from our SDO in Quezon City. We will closely monitor and will give you updates once the concerned field office submits its incident report,” sabi ni Legaspi sa isang text message.

Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung may iba pang estudyante na nabiktima ang suspek.

“Sino man na nabiktima ng suspek namin na ito pumunta lang kayo sa aming police station. Station 15 Quezon City Police District para maimbestigahan at masampahan natin ng kaukulang demanda,” sabi ni Loteyro.