Advertisers
Nasawi ang dalawang magkabarkadang lalaki nang pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin sa isang waiting shed sa Sitio Mangga, Barangay Lutucan Malabag ng Sariaya, Quezon nitong Sabado.
Dead on the spot ang mga biktima na sina Bernardo Claveria Maranan alyas “Tibor,” nasa hustong gulang; at June Valverde Regalalado alyas “Asim”, 28, mga residente ng Barangay Concepcion Palasan ng nabanggit na bayan.
Nagpapatuloy ngayon ang follow up at hot pursuit operation ng Sariaya Municipal Police Station upang alamin ang pagkatao at motibo ng salarin na pumaslang sa magkaibigan at nagsasagawa na rin ng technical investigation ang Scene of the Crime Operatives o SOCO.(KOI LAURA)