Advertisers

Advertisers

PCSO BOARD SECRETARY BARAYUGA IPINAPATAY NG DDS-COPS!?!

0 3,317

Advertisers

Pilit mang itinatanggi ang mga krimen sa likod ng pagiging mga GOVERNMENT OFFICIALS ay halos ibinubuyangyang ang mga rebelasyong ipinapatay ng tinaguriang mga DAVAO DEATH SQUAD COPS ang EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) BOARD SECRETARY na si WESLEY BARAYUGA noong 2019.

Sa 7th CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) hearing nitong September 27, 2024 ay inihayag ni POLICE LIEUTENANT COLONEL SANTIE MENDOZA na nakatanggap umano siya ng isang tawag mula kay NATIONAL POLICE COMMISSION MEMBER EDILBERTO LEONARDO tungkol sa isang operasyon patungkol kay BARAYUGA na nagsasangkot kay EX-PCSO GENERAL MANAGER ROYINA GARMA sa pagsasagawa ng planadong pamamaraan upang maisakatuparan ang pamamaslang kay BARAYUGA.

Gayunman, bagama’t bantulot umano si MENDOZA sa iniuutos sa kaniya upang paslangin ang isang kapuwa GOVERNMENT OFFICIAL ay napilitan itong sundin ang utos na nagmumula kay LEONARDO at GARMA na kapuwa ang mga ito ay makapangyarihan noong panahong iyon at nalitanya nito sa pagdinig ang “sa kabila ng aking pag-a-alinlangan… ako ay napilitan na lang na sumang-ayon at sumunod,” dahil batid nito (MENDOZA) aniya ang impluwensiya ng nasabing 2 public servants.



Naipunto pa ni MENDOZA na pinabilis ni GARMA ang operasyon sa paraang binigyan nito ng service vehicle na magagamit dapat sa pang-araw-araw na pagta-trabaho ni BARAYUGA.., na ang sistemang ito ay para mapadali ang pagsasakatuparan na malikida ang itinuturing nilang banta na mabulgar ang mga anumalyang nagaganap sa PCSO.

Ang service vehicle ay ginamit ni BARAYUGA na lingid sa kaniyang kaalaman ay isang pain laban sa kaniya at noong July 30, 2020 habang sakay sa service vehicle si BARAYUGA ay isang nakamotosiklo ang dumikit at pinagbabaril ang nasa loob ng sasakyan.., na ang unang 2 putok ay kanang kamay ang ginamit ng gunman at sa sumunod na 2 putok muli ng baril ay kaliwang kamay naman ang ginamit ng gunman at kasuwal lamang itong nagmotor papalyo na parang walang ginawang krimen.



Inamin ni MENDOZA na bahagi siya sa pagpatay sa kinikilala niyang inosenteng tao sa pagsasabing “kasi po pumatay kami ng inosente.”

Inihayag pa ni MENDOZA na matapos ang naging pamamaslang kay BARAYUGA ay nakatanggap siya ng P40,000 bilang bahagi ng P300,000 na bayad para sa operasyon.., pera na diumano’y inilabas mismo ni GARMA na ang walang pakundangang pagpatay kay BARAYUGA ay para patahimikin ito at huwag masiwalat ang anomalyang operasyon ng SMALL TOWN LOTTERY (STL).., na nagdidiin sa abuse of authority sa pangangasiwa ng mga GOVERNMENT OFFICIAL.



Sa mga rebelasyon sa pagdinig ay lumalabas na si BARAYUGA ay nagpahayag ng kaniyang kahandaan para tumestigo sa patuloy na pagsisiyasat sa katiwalian sa loob ng PCSO.., gayunman ay sadyang pinaslang ito upang huwag nang malantad pa ang mga anomalyang kinasasangkutan ng 2 HIGH GOVERNMENT OFFICIALS na sina GARMA at LEONARDO.

Habang pumapalaot ang pagsisiyasat ng CQC ay nalalantad ang linyang komokonekta kina GARMA at LEONARDO kay EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa pagiging kasapi ng mga ito sa DAVAO DEATH SQUAD na instrumentong ginamit ni DUTERTE para mamayani at mawala sa landas ang kaniyang mga kaaway sa politika., na dapat ay lumantad pa ang lahat ng may kaalaman bilang pagsuporta sa isinasagawa ng CQC upang sa gayon ay mapanagot ang lahat ng GOVERNMENT OFFICIALS na nagsiabuso sa kanilang mga posisyon sa larangan ng malaganap na CORRUPTIONS, ILLEGAL POGO OPERATIONS at EXTRA JUDICIAL KILLINGS sa porma ng FAKE WAR ON DRUGS ng DUTERTE ADMINISTRATION!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.