Advertisers
NAGSUMITE na ng listahan ng ‘Potential Election Areas of Concern’ ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, ang isinumite nilang listahan ay nakadepende sa Comelec dahil sasailalim pa ito sa validation ng joint security council.
Dagdag pa ni Fajardo, mayroon silang apat na kategorya para sa validated election-related incidents na maaaring maihanay sa ‘yellow category’.
Sinabi ni Fajardo na ang naging parameters ng PNP para mapabilang ang isang lugar bilang potential election areas of concern ay ang mataas na kaso ng intense political rivalry at ang presensya ng private armed groups.
Samantala, ayon sa Commission on Elections (Comelec), sasailalim pa sa validations ang nasabing listahan ng PNP.
Sa ngayon, hindi pa nakikita ng poll body na ideklara ng ‘areas of concern’ ang mga nasabing lugar para sa nalalapit na 2025 midterm elections.