Advertisers

Advertisers

3 NPA tigok sa bakbakan sa Lanao del Sur

0 5

Advertisers

MULING nakapuntos ang tropa ng pamahalaan laban sa Communist Terrorist Group (CTGs) nang mapatay ang 3 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa engkuwentro sa Sitio Bagong Silang, Barangay Manila, Kapai, Lanao del Sur.

Batay sa ulat ng Joint Task Force ZamPeLan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi bababa sa 6 CTGs ang kanilang naka-engkuwentro.

Pinaniniwalaang bahagi ang mga naka-engkuwentrong Terrorista ng Sub-Regional Committee 5, North Central Mindanao Regional Committee.



Nagresulta ang bakbakan ng 15 minuto at nasamsam ang matataas na kalibre ng armas gaya ng M16 rifles, M653 rifle at isang M14 rifle.

Walang nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan. (Mark Obleada)