Advertisers
PATAY ang isang “manyakis” ama na may kasong panggagahasa sa tatlong anak nitong babaeng menor de edad nang pagbabarilin nitong Sabado, Oktubre 5 sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kaagad nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si alyas Gerald, 37 anyos, taga-Lake Sebu, South Cotabato.
Sa report ng Surallah Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhan bahagi ng Purok Riverside, Barangay Tubi-Allah, Surallah na tadtad ng mga tama ng bala.
Ayon kay Police Capt. Archie Dagohoy, hepe ng Surallah MPS, positibong kinilala ang biktima ng kanyang mga kaanak at sinabing may kinakaharap itong kasong panggagahasa sa tatlong anak na babae.