Advertisers

Advertisers

‘DOKTORA NG MASA’ DRA. KAT MARTINEZ, IPAGPAPATULOY ANG “NEVER STOPS BRAND OF PUBLIC SERVICE”

0 25

Advertisers

MATAPOS ang masigla at positibong paghahain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC), tiniyak ni Dra. Katherine Martinez na ipagpapatuloy niya ang “Martinez Never Stops” brand of public service na sinimulan ng kanyang asawa, si incumbent Valenzuela City 2nd District Representative Eric Martinez, na nasa ikatlong termino na nito ngayon.

Pagbibigay-diin ng “Doktora ng Masa”, pangunahing isusulong niya ang malaking pangangailangan para sa reporma sa sektor ng serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng ikalawang distrito ng lungsod at iba pang Valenzuelanos.

Kabilang dito ang pagtutok sa expansion program para sa Valenzuela Medical Center, na target ni Dra. Katherine Martinez na maging isang world class hospital at pagkakaroon ng iba public healthcare facilities.



“Kung si Cong. Eric Martinez ay nakapagpagawa ng world class sports facilities na libreng nagagamit ng mga taga-2nd District ng Valenzuela, nais ko naman na magkaroon ng world class na mga ospital, na siyang magbibigay ng high-quality healthcare services sa aming distrito at sa lahat ng Valenzuelanos,” ani Dra. Martinez.

Dagdag pa ni Dra. Martinez, bibigyang-pansin din niya ang hanay ng medical professionals at workers, sa pamamagitan ng agad na paghahain ng panukalang batas para magkaroon sila ng komprehensibong benepisyo.

Sa kanyang panig, iginiit ni Cong. Eric Martinez na sa darating na 2025 polls, dapat tignan ng mga taga-Valenzuela City second district ang “politics of performance,” masusing ikonsidera ang matibay na track record ng isang kandidato na kanilang iboboto.

Ipinunto niya na sa ilalim ng kanyang termino, nakuha ng lungsod ang titulo bilang “Basketball Capital of the Philippines” sa pamamagitan na rin ng inisyatiba niya na pagtatayo ng world class sports facilities partikular ang NBA-inspired at PBA-themed basketball courts, kabilang ang sikat na House of Kobe, na tampok ang memorabilia ni late LA Lakers superstar Kobe Bryant’s at ang Ginebra Never Say Die (NSD) multi-purpose building sa Paso de Blas.

Bukod dito, sa kanyang ibayong pagsusumikap ay naipasa ang panukalang batas na ihain ni Cong. Martinez partikular ang House Bill 7327, na ngayon ay Republic Act 11327, na nagtatakda para sa pagtataas sa bed capacity ng Valenzuela Medical Center mula 200 ay magiging 500 beds na ito.



Sa ilalim ng National Unity Party (NUP) at The Team Red o Tuloy ang Progreso Team naman ni incumbent Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian’s, sinabi ni Dra. Martinez na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang hamon na maging isang public servant dahil noon pa man ay nasa likod na siya at aktibong sumusuporta sa mga matatagumpay na programa at proyekto ni Cong. Martinez.

Samantala, sa kanyang social media post, inihayag ni former Valenzuela City mayor at congressman, ngayo’y secretary ng Social Welfare and Development Rex Gatchalian, na kabahagi rin ng The Red Team ng Valenzuela City, ang solido at buo niyang pagsuporta sa kandidatura ng Doktora na Masa bilang kongresista ng ikalawang distrito ng kanilang lungsod.

“I have known Cong. Eric and Dra. Katherine Martinez for years. We have worked closely together to push for programs for the City of Valenzuela. Dra. Kath knows how to take care of people. She is genuine and kind. I will always root for her success,” ang mariing sabi pa ni Sec. Gatchalian.

Ang Red Team ng Valenzuela City ay kinabibilangan at lubos ding sinusuportahan ni former mayor at kasalukuyang Senator Sherwin Gatchalian, na binigyang-basbas at isinusulong din ang congressional bid ni Dra. Martinez.