Advertisers
NAGHAIN nitong Lunes ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong alkalde ng Davao City si dating pangulong Rodrigo Duterte habang ang anak niyang si Representative Paolo “Pulong” Duterte ay muling tatakbong kongresista.
Inihain ni Duterte ang kaniyang COC sa Commission on Elections office sa lungsod ng Davao.
Matagal na naging alkalde ng Davao City si Duterte bagong naging lider ng bansa nang manalong pangulo noong Eleksyon 2016.
Kandidato naman bilang vice mayor ni Duterte ang anak niyang si Baste Duterte na kasalukuyang alkalde ng lungsod.
Naghain na rin ng COC para sa posisyon ng bise alkalde si Baste nitong Lunes.
Samantala, naghain ng COC para muling tumakbong kongresista sa First District ng lungsod si Paolo.
Ang abogado ni Paolo na si Atty. Elijah Pepito ang naghain ng COC para sa kongresista.
Tatakbo si Paolo sa Eleksyon 2025 para sa kaniyang ikatlong termino bilang kongresista.