Advertisers

Advertisers

“FALSE HOPE & PURE LIP SERVICE”

0 28

Advertisers

Tiniyak ng Department of Finance na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para maging abot kaya ang mga bilihin bago mag pasko.

Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, layon nitong gawing merry ang pasko ng bawat mamamayang Pilipino.

Ginawa ng Kalihim ang naturang pahayag matapos ang naitalang 1.9% na inflation outturn noong September.



Ibig sabihin, nagkaroon ng pinakamababang inflation sa bansa sa loob ng 4 na taon.

Ina ko po naman Sec.Ralph Recto!

Another ” lip service ” na naman ‘ yan para sa masang Pilipino na patuloy na tinotolongges ng GOBYERNONG ito.

“False hope” o paasa sa lengguwaheng kalye.

Isang istilo ng “papogi” na press release ni Recto dahil tatakbo sa pulitika sa Batangas ang kanyang asawa na si Vilma Santos- Recto bilang gobernador, anak na si Ryan Recto as congressman sa 6th district at stepson na si Luis Philippe Manzano bilang bise gobernador.



Nakakatawa pero sadyang nakakasuka ang mga ganitong diskarte dahil sobrang kakapalan ng mukha at pang- aabuso sa mga botanteng Batangenos Ang hakbang na ito ni Kalihim Recto ay may direktang basbas sa Malacanang.

Ayon sa sources natin, suportado ni Marcos Jr. at Liza Araneta Marcos ang hakbang na ito para madomina ang rich- vote Batangas province bilang preparasyon sa darating na 2028 presidential elections.

Nais umanong lalo pang palakasin ng mag asawang Marcos Jr. ang political control nito sa malaking probinsiya ng bansa bago pa dumating ang pang- panguluhang halalan sa 2028.

Nabatid din natin na karamihan sa mga tumakbong kandidato sa Partylist groups ay mga galising “aso” rin ng administrasyon na sinusuportahan ng gobyernong Marcos Jr.sa direktang pagkumpas at maniobra ni House Speaker Martin Romualdez.

Going back sa mga Recto, nabulgar na direktang si Speaker Romualdez ang itinalagang pangkalahatang finance executive ng Marcos Jr. candidates sa buong bansa.

Ang ibig sabihin, bubuhusan ng unlimited campaign funds ang mga asong kandidato ni Marcos Jr. bilang desperadong hakbang para masiguro ang panalo ngayon nalalapit na 2025 midterm elections.

Ang masakit,nakaw na pera ng bayan ang lulustayin ngayong Eleksyon 2025.

Ganyan po ka-demonyo ang planong gawin ng administrasyong ito sa paparating na halalan.

Garapalan at walanghiyaan.

Lahat ng galawan ay dadaanin sa pambubudol,harassment at brasuhan gamit ang nakaw na pera mula sa mga mamamayan.

At kung papaniwalaan natin ang press release ni Sec.Recto na kilalang isa sa mga gutom at oportunistang aso ni Marcos Jr.,wag na tayo mangarap pa ng isang “Merry Christmas”.

False hope lang po ‘yan sa intensyon ng gobyernong ito na budulin ang taongbayan at subuan ng mga pambobola at kasinungalingan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com