Advertisers

Advertisers

Misis na may Stage 3 cancer, patuloy ang laban sa tulong ng Malasakit Center

0 8

Advertisers

Muling napatunayan ang malaking epekto ng inisyatibang Malasakit Center ni Senator Christopher “Bong” Go sa patuloy na pakikipaglaban sa stage 3 cancer ng isang ginang na taga-Barangay Tatalon, Quezon City.

Bagama’t ang kanyang kuwento ay hindi naisapubliko, sumasalamin ito sa karanasan ng marami na nahaharap sa hirap ng paglalakbay tungo sa pagrekober.

Sa edad na 55, unang inakala ni Janet Garganta na siya ay dumaranas lamang ng ng simpleng karamdaman o posibleng impeksyon sa ihi. Gayunpaman, lumala ang pananakit ng kanyang tiyan at hindi nagtagal ay na-diagnose siya na may Stage 3 Endometrial Carcinoma sa obaryo.



“Kala ko UTI lang e, masakit lang ‘yung tiyan ko. Sobrang sakit. ‘Yun pala, cancer na. Nung na-biopsy, Stage 3. Ganun po siya, kabilis nangyari,” ani Janet.

Ang masamang balita ay nagpaguho sa kanya. Siya ay sumailalim sa operasyon, ang pagtanggal sa kanyang buong reproductive system, at chemotherapy, bawat sesyon ay inuubos hindi lamang ang kanyang lakas kundi pati ang financial resources ng kanyang pamilya.

Para sa marami, hindi lamang ang diagnosis ang nagdadala ng kabigatan. Ang pinansiyal na pasanin ng paglaban sa kanser ay nag-iiwan sa mga pamilya sa bingit ng kawalan ng pag-asa. “Ang nakakamatay po ay ang gastusin,” sabi ni Janet.

Si Janet ay ginabayan upang humingi ng tulong sa Malasakit Center sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, isang inisyatiba na pinangunahan ni Sen. Go. Natagpuan na lamang ni Janet ang sarili sa pintuan ng lifeline na ito sa isa sa mga pinakamahirap na panahon ng kanyang buhay.

“Nung sa Fabella po, tinuruan po ako na lumapit sa Malasakit (Center),” ang laking pasasalamat ni Janet.



Laking pasalamat niya dahil ang kanyang chemotherapy ay nasagot at nagpagaan ito sa kanyang pasanin. Ngunit marami pa siyang laban. Pagkatapos ng chemotherapy, nalaman ni Janet na kailangan niya ng radiation treatment—isa pang procedure na nangangailangan ng salapi.

Ngunit nariyan ang Malasakit Center para suportahan siya.

Ang mga PET scan, radiation session, at konsultasyon—lahat nang ito na napakamahal at mahalaga sa kanyang paggamot, ay naging posible sa tulong na ibinigay ng inisyatiba ni Sen. Go. “Napakalaking tulong ni Senator Bong Go dahil po, unang-una, hindi siya mahirap lapitan,” ang sabi ni Janet.

“Napakalaking tulong po niya, no? Katulad nu’ng nabagyo kami dito, meron kaagad siyang nakaanong tulong para sa mga nabahaan. Huwag lang po siya magbago,” ang naluluhang sabi pa ng ginang.

Ang kaso ni Janet ay isa lang sa maraming kuwento. Sadyang nilikha ang Malasakit Center para sa mga indibidwal na tulad niya—mga ordinaryong Pilipino na nahihirapan sa pambihirang gastos sa pagpapagamot.

Layunin ng Malasakit Centers na suportahan ang mga mahihirap na pasyente na mabawasan ang kanilang gastos sa ospital sa pinakamaliit na halaga.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa ngayon, 166 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa at batay sa datos ng DOH, nakapagbigay na ito ng tulong sa mahigit 15 milyong Pilipino.