Advertisers
NAKATAKDANG i-anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang susunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes o Martes.
Ito’y matapos nagpahayag umakbo sa pagka-senador si Sec. Benhur Abalos.
Ayon sa Presidential Communications Office, anumang oras nitong Lunes o Martes ay papangalanan na ng Pangulo ang kapalit ni Abalos.
Kabilang sa mga lumi-litaw na pangalan para maging susunod na DILG Secretary ay sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Rep. Robert Ace Barbers at Special Assistant to the President Anton Lagdameo.
Sa naging panayam nuong nakaraang linggo, sinabi ng Pangulo na may napili na siyang kapalit ni Abalos.
Batay sa isang mapagkakatiwalaang source matunog ang pangalan ni Remulla.
Sa ngayon, inaabangan ang anunsiyo ni Pangulong Marcos hinggil dito.
Sakaling si Remulla ang maitalaga sa DILG, siya na ang ikalawang Remulla na binigyan ng pwesto sa gobyerno.