Advertisers

Advertisers

Retiradong pulis na nag-jogging binaril ng riding-in-tandem

0 26

Advertisers

MASUWERTE na nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Taytay, Rizal noong Sabado.

Sa report ng Taytay Municipal Police Station (MPS), 8:05 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Sitio Lumang Ilog, Barangay San Juan, Taytay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagdya-jogging ang retiradong pulis na si Eugenio Rabago Miranda nang sumulpot ang mga salarin sakay ng itim na Honda Click.



Bumaba ang naka-angkas, nilapitan ang biktima at pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril agad sumakay ang backride sa kasamang nagsilbing look out, tumakas patungo sa Siwang C6 road.

Agad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">