Advertisers

Advertisers

Barbie ayaw pang aminin ang relasyon kay Richard kaya naba-bash; Luis at Ryan kinuwestyon ang pagpasok sa pulitika

0 31

Advertisers

Ni Beth Gelena

BUMISITA ang ka-look-alike ni Yaya Dub sa It’s Showtime nitong Sabado.

Ang noontime ay muntik nang magsara dahil sa enormous fanbase ng AlDub noon sa Kalyeserye nina Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards.



Cool lang ang mga host nang lumabas sa stage si Yaya Dub at sabay-sabay silang nag-“Hi!” sa Eat Bulaga host at maging kay Bossing Vic (Sotto).

Ayon kay Vhong, “alam mo muntik na kaming matsugi noon dahil sa inyo ni Alden.”

Tinanong siya kung ano ang pinag-kakaabalahan niya today.

Ani Yaya Dub, “eto po paraket-raket.”

Mabuti pinayagan ka ng sa kabila, ani Jhong Hilario.



“Dapat po pupuntahan ko ang asawa ko si Arjo Atayde, e dito po ako napunta.”

Kilala si Maine bilang DubSmash kaya hiningan siya ng sample ng mga host.

Ani Yaya Dub, “wala po kaming anak ni Alden. Sadyang busog lang po ako at anv asawa ko po ay si Arjo Atayde.”

Tuwang-tuwa naman ang mga studio audience sa game na pakikipagbardagulan ni Yaya Dub.

***

SA Facebook account ni Barbie Imperial may post siya about negativity for content.

Aniya: “Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira. Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling. Ingat sa pag comment and like, pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan ???? nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking ??”

“Right. Kaya maraming tao ang kelangan mag social media detox. Sobrang toxic na.”

Iba naman ang komento ng netizen na ito patungkol sa kanya.

“Mas nakakalungkot kase may nang aagaw na ng asawa at naninira na ng pamilya nagegets ko naman na walang bawal sa pag mamahal pero dapat wala kang nasisirang pamilya…just saying”

Nabuhay na naman mga basher ng aktres.

“Hi Barbie – Kailan ka mag acting workshop. Kailangan mo iyon.”

“Marunong naman sya umarte, compared mo Kay SL, milya ang galing nya”

“hala, ang insecure mo nman dun kay Sarah at dinamay mo pa sa pagka bano umarte ni Barbie. Maski pa anong bash mo dun, ASAWA YUN AT PINAKASALAN, ewan ko lang dyan kay Barbie.”

“Pwede mo naman kasi sabihin te na oo naging kami nung wala na sila. Oh edi hindi kana napagkakitaan ng mga trolls”

“Oo nga naman Barbie, bakit nga ba ayaw mo pang aminin kung kayo na ni RG”

May picture kasing kuha sina Barbie at RG sa isang restaurant sa Italy.

Pruweba raw iyun na may relasyon na ang dalawa dahil hindi naman kasama ang aktres sa pagsu-shoot ng aktor sa aksyonserye nilang Incognito.

***

Ano raw ang kredibilidad at ability
ng magkapatid?
ATE VI DINEPENSAHAN SINA LUIS AT RYAN SA PAGPASOK SA POLITIKA

BALIK-politika ang Star For All Seasons Vilma Santos.

Hindi lang siya kundi kasama na ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto.

Nag-decide na rin kasing pasukin ng magkapatid tulad ng kanilang mga magulang.

Marami ang bumabatikos sa kapatid, pero andyan ang kanilang na dumedepensa sa kanila.

Si Ate Vi ay respetadong veteran stars sa industriya.

Isa siya sa showbiz personalities na pumasok sa politica, at maganda ang record bilang public servant.

Ilang taon din siyang nagserbisyo sa Batangas.

Una ay Mayor ng Lipa then naging Governor ng Batangas.

Nang matapos ang termino bilang Ina ng Batangas ay naging Congresswoman naman siya sa Lone District ng Lipa.

Last national elections ay namahinga sa politika si Ate Vi at binalikan ang pag-aartista.

This year, ay muli siyang nagbalik at nagfile na ng kanyang certificate of candidacy for the 2025 elections.

Kasama niya ang dalawang na sina Luis at Ryan sa pag-file ng COC.

Si Luis na isang TV host, ang running mate ni Ate Vi as vice governor, samantalang si Ryan ay isang representative.

Kahit maraming Batanguenos ang sumusuporta sa mag-ina ay may mga negatibong reactions naman ang iba.

Lalo na sa magkapatid na Luis at Ryan kinukwestiyon nila ang credibility at ability ng mga ito to be in public service.

Base sa interview, sinabi ng Star For All Seasons na ang kanilang pamilya ay hindi lang family na basta lang pumasok sa politika ay okey na.

“At saka kami, nag-o-offer ng serbisyo — ang tao naman ang boboto kung pagkakatiwalaan kami o hindi. Ang importante, nu’ng mahilingan akong tumakbo uli at gusto nila uling maging governor ako, inisip ko rin kung saan ako lalagay,” wika ni Ate Vi.

Sinabi rin niyang hindi tatakbo ang husband na si

Ralph Recto dahil isa itong Secretary of Finance at hindi raw nito iiwan ang national government.

Dating Congressman si Ralph nang italaga siya ni PBBM bilang Kalihim ng Finance, kaya ang tawag ni Ate Vi sa asawa ay CongSec.

Dinepensahan naman niya ang dalawang anak sa desisyon ng mga ito na tumakbo ngayong eleksyon.

“So, ang akin lang, bakit ang dalawa kong anak? Kasi, na-expose na ‘yung dalawa kong anak sa tao. Noong secretary na si Ralph, hindi siya nakaka-attend ng mga affair sa barangay, like educational distribution, financial assistance, mga TUPAD [Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers],” esplika niya.

Dagdag pa niya, lagi raw nagpapadala si CongSec ng kind of endeavor at dahil dito ay na-expose sila sa political scene and how public service works.

Ready na umano ang kanyang mga anak dahil lumaki sila witnessing public service.

Bilang running mate niyang si Luis, kailangan daw niya nang tulong ng anak dahil siya raw ang makaka-assist sa kanya when it comes to technology that can be needed in serving the people of Batangas.