Direktor Bong Marzan, panauhin sa National Teachers’ Day ng C.M. Recto High School
Advertisers
NAGSILBING panauhin si Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV ng Manila si Director at Brgy 497 Chairman Bong Marzan ng Claro M.Recto High School sa kanilang pagdiriwang ng National Teachers’ Day nitong Lunes, Oct. 7, 2024.
Sa kanyang mensahe sa mga guro ng nasabing paaralan, binanggit ni Marzan ang Hindi matatawarang kontribusyon ng mga guro sa pagdudulot ng natatanging kaalaman sa mga kabataan.
Binanggit din nito ang sakripisyo ng mga guro sa paghubog sa kinabukasan ng mga mag-aaral para makamit nila ang kanilang ambisyon.
Bilang panghuli ay pinasalamatan ni Marzan ang mga guro sa buong bansa sa kanilang pag-akto bilang pangalawang magulang sa lahat ng mag-aaral at sa walang sawang pagtatanim sa isip at puso ng mga ito ng kabutihang asal bilang kakambal ng karunungan.
Samantala, ay dumalo rin si Marzan sa Nazareth Covered Court sa panibagong yugto ng pagbibigay ayuda sa mga indigent individuals ng District 4.
Kasama sina Asenso Manileño Party President at Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo Nieto ay namahagi sla sa may 1,600 beneficiaries ng ayudang pinansyal mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Ang bawat isang benepisyaryo ay tumanggap ng P3,000.
Ang AKAP ay programa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang makatulong sa mga kababayan na kapos ang kita sa pang-araw-araw. (ANDI GARCIA)