Advertisers

Advertisers

Malabon City Congw Jaye Lacson – Noel, naghain na ng COC para sa Mayoralty bet

0 23

Advertisers

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy si Malabon  City Rep. Josephine Veronique “Jaye” Lacson-Noel , araw ng Lunes para sa May 2025 midterm elections para sa Mayoralty bet .

Kasama ni Lacson- Noel ang kanyang pamilya kabilang ang tatakbong Kinatawan ng Malabon na si  Rep. Florencio Gabriel “Bem” Noel, na una nang naghain ng kanyang COC, anak na si Councilor Nino Lacson , mga anak, mga magulang , at buong Team na ginanap sa  Robinsons Malabon na dinumog ng kanyang mga supporters.



Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng tatakbong alkalde ng lungsod na huwag pangibabawan ang pulitika, bagkus ay pagtulungan na lamang kung paano maitataas ang kabuhayan, edukasyon at kalusugan sa Malabon, tutukan kung paano masosolusyunan ang malawakang pagbaha , resolbahin ang problema sa basura at iba pa .

Aniya, sino man ang palarin sa Election 2025, kalimutan ang pulitika , magbuklod at isapuso na lahat ng ginagawa at gagawin ay para sa interes ng nasasakupan.

Nagsimula ang mambabatas sa paglalatag ng legislative grounds na naging ugat sa tagumpay na nararapat kamtan ng Malabonians .

” My mayoral bid is the actual response to the people’s clamor and now responding to the wishes of my constituents, the kind of  leadership at the local level that the people of Malabon have been asking for”, Lacson- Noel said.( Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">