Advertisers

Advertisers

PBBM nagtalaga ng 3 caretaker sa bansa

0 7

Advertisers

BUMUO ng isang executive committee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magsilbing tagapangalaga ng bansa habang wala siya at nasa Laos.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, si Executive Secretary Lucas Bersamin ang magsisilbing chairperson ng komite.

Bukod kay Bersamin, itinalaga ring mga miyembro ng caretaker committee sina Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla at Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella.



Hindi ito ang unang pagkakataon na nagluklok ng komite si PBBM sa kanyang paglabas ng bansa dahil ginawa na niya ito sa kanyang biyahe sa Indonesia noong nakaraang taon.

Si PBBM ay dadalo sa ASEAN Summits sa Laos mula Oktubre 8-11, 2024.

Pangkaraniwan ay itinatalaga ng Pangulo bilang caretaker si Vice President Sara Duterte kapag may biyahe ito sa ibayong dagat. (Gilbert Perdez)