Advertisers
BILANG tugon sa pahayag ni Senador Koko Pimentel, nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na ipinarating ng senador ang kanyang intensyong kumalas sa kanilang alyansa sa pamamagitan ng text message na ipinadala tatlo o apat na buwan na ang nakalipas.
“Mas maging maayos daw ang kanilang pagkilos kung wala sila sa alyansa,” wika ni Teodoro, na nagpahaging pa na nais ni Pimentel na mapanatili ang relasyon sa parehong Teodoro at Quimbo.
“Ginalang naman namin yung decision na iyan. Kaya napilitan kami maghanap ng kandidato para sa 1st District,” dagdag pa ng Mayor.
Pagkatapos, doon lang nagpasya si Teodoro na sumabak na kongresista para sa Unang Distrito ng Marikina, kung saan nagsilbi siyang kinatawan mula 2007 hanggang 2016.
Para naman sa kanyang legislative agenda, sinabi ni Teodoro na tututukan niya ang climate change at proteksiyon sa kalikasan, at isusulong ang pagsasabatas ng comprehensive land use plan.
Isinusulong din niya ang pangangalaga ng protected areas at pagpapalakas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.