Advertisers
NANATILING walang dungis ang Santo Tomas (UST) matapos dominahin ang Mapua University, , 25-18, 25-17, 25-20, sa Pool B ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship Linggo Rizal Memorial Coliseum.
Ang Goleden Tigresses ay nangailangan lang ng 82 minutes upang walisin ang winless Lady Cardinals para sa kanilang ikalawang wagi sa kasindaming laro.
Kyla Cordora umiskor ng nine points para sa UST habang si Xyza Gula nagdagdag ng eight points at Margaret Altea may seven points.
Jona Perdido at Regina Jurado nag-ambag ng tig-six points para sa Tigresses’ follow-up sa 4-set decision laban sa Lyceum of the Philippines University nakaraang Sabado sa kanilang debut outing sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea and Summit Water.
Makakaharap ng UST sa Biyernes ang University of perpetual Help System Dalta alas 6 ng hapon bago ang inaasahan na showdown kontra UE sa Linggo Oktubre 13.
Ang lady Cardinals, na pinamumunuan ni Alyanna Ong sa iniskor na eight points, ay nanateling winless sa tatlong laban.
Samantala, nagrally ang University of the Philippines para idispatsa ang Letran,17-25,25-18,25-18,25-23,Sabado para sa kanilang unang tagumpay sa Pool C ng kumpetisyon.
Doering umiskor ng 16 points kabilang ang nine of attacks,Joan Monares nagdagdag ng 11 points habang si Nina Ytang may 10 para sa UP.
Gia Maquilang pinamunuan ang Lady knights sa iniskor na 18 points habang si Sheena Saring at Judiel Nitura nag-ambag ng 14 at 12, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang talo.
Maghaharap sa Biyernes ang defending champion National University at Emilio Agunaldo College 1 p.m. sa Pool A habang makakatagpo ng La Salle ang Letran 3:30 p.m.