Advertisers

Advertisers

6 PULIS NANGGULPI NG ESTUDYANTE SINIBAK!

0 19

Advertisers

SINIPA sa puwesto ang anim na pulis na nakatalaga sa Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu sa “police brutality” nang kanilang bugbugin ang isang working criminology student na hinuli dahil sa umano’y pagnanakaw.

Ayon kay PNP Public Information chief Brigadier General Jean Fajardo, kabilang sa mga sinibak sa puwesto ang Station 4 commander na isang major, chief clerk, desk officer, isang sarhento, isang patrolman at isang imbestigador.

Nag-ugat ang insidente nang madawit umano sa pagnanakaw ang biktima sa binabantayan nitong bahay kungsaan siya ang caretaker.



Dito inaresto ang biktima at pilit pinaaamin sa kasalanan habang sinasaktan sa pamamagitan ng pamamalo ng arnis at pananampal. Nakiusap at nagpaliwanag umano siya subalit hindi pinakikinggan ng mga pulis.

Sa kabila ng reklamo, itinatanggi ng mga nasibak na pulis na sinaktan nila ang biktima.(Mark Obleada)