Advertisers

Advertisers

Barilan sa huling araw ng filing ng CoC: 1 patay, 5 sugatan

0 30

Advertisers

NAUWI sa karahasan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato para sa 2025 mid-term elections nang mauwi ito sa palitan ng putok at hagisan ng mga bato sanhi ng pagkamatay ng isa katao at pagkasugat ng lima sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, Martes ng hapon.

Kinumpirma ng local government officials ng Shariff Aguak at ng Shariff Aguak Municipal Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Regie Albellera, na nasawi sa insidente ang isang kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team na naka-destino sa poblacion o sentro ng naturang bayan.

Sugatan sa insidente si Corporal Montassir Eskak ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office na isa sa mga pumagitna sa mga naglabang grupo, at isa pang residente ng Shariff Aguak na si Saddam Taguigaya.



Ayon sa Shariff Aguak LGU officials at sa municipal police, tatlong iba sa panig ng mga nagpasimula ng kaguluhan ang nasugatan sa pangyayari.

Unang naimbita pa ang wanted na indibiwal na nais maghain ng COC sa pagka-vice mayor sana, isang lalaking diumano matagal nang may ibat-ibang kaso, ng mga pulis para sa kaukulang identity verification, at pinayagang mag-file ng kandidatura sana sa municipal Comelec office ngunit hindi naproseso dahil ang kanyang tanging dala ay certificate of nomination and acceptance lang ng kanyang kinaanibang political party.

Sa pahayag ng mga otoridad, ang naturang kaganapan ang nagsanhi ng tension na nauwi sa batuhan ng mga sasakyan at palitan ng putok ng mga kinauukulan at supporters ng kakandidato.