CIDG MILYONES LINGGUHANG KOTONG SA ‘PAIHI’
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
NANAWAGAN ang grupo ng anti-crime and vice crusaders sa bagong talagang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Major General Nicolas Torre III, na imbestigahan ang isang grupo na gumagamit ng kanyang pangalan upang makapangotong sa mga financier at operator ng iba’t ibang uri ng ilegal na kitaan sa bansa.
Sa ulat na nakarating sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), sinabi ng grupo na milyones ang lingguhang nakokolekta ng mga “tong kolektor” na pinamumunuan ng isang “Lorenzo” na umano’y silang naatasan ng isang mataas na opisyal ng CIDG na titimon para sa intelhencia o timbre sa bagong hepe ng premier investigating body ng Philippine National Police (PNP).
Kasama ni Lorenzo sa grupo ang isang alyas “Quimbo”na natalagang lead tong collector. Pinagagalaw ng mga ito ang isang alyas Cincoang na miyembro ng isang maimpluwensyang religious group na ginagamit din ng ilang “kapatid” na Heneral sa pango-ngolekta ng “protection money” sa mga vice lord at sindikato ng paihi, smuggling at iba pang ilegalistang nag-ooperate sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon pa sa ulat ng MKKB, kay Lorenzo dadaan ang lahat ng “parating” na protection money mula sa operasyon ng illegal gambling, petroleum at oil pilferage o “paihi” o “buriki”, smuggling ng farm products at maging ng illegal drugs mula sa kolek-syon ng mga tauhan nina Quimbo at Cincoang na ikinalat sa lahat ng rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang mga pangunahing “milking cow” ng grupo nina Lorenzo, Quimbo at Cincoang ay ang mga “lord” ng paihi, smuggling ng oil and petroleum, Small town lottery (STL) bookies o jueteng, pergalan (peryahan na pulos sugalan) at maging drug lords na kalimitang gamit na prente ang gambling dens tulad ng rebisahan ng bookies at saklaan, ang pinaka-talamak ang operasyon sa CALABARZON o Southern Tagalog Region.
Nasa CALABARZON din ang pinakamalakas na operasyon ng paihi/buriki lalo na ang pinatatakbo ng drug pusher na isang alyas “Rico Mendoza” na matatagpuan sa tapat ng Toyota parking area sa Brgy. Banaba South, Batangas City, na hurisdiksyon ni CIDG Batangas Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena, Batangas PNP Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., at local police chief LtCol. Jephte Banderado.
May “weekly” na nakokolekta sina Lorenzo, Quimbo at Cincoang gamit naman ang grupo ng isang dismissed ex-Davao Police Sgt. Adlawan. Sa kada “butas” ng paihian ni Rico tulad ng nasa barangay ni Banaba South Chairwoman Estrella Que ay may lingguhang P.5 milyong “patong” para kuno sa tanggapan ni Gen. Torre III.
Sa dalawang “butas” ni Rico, isa rito ay sa Brgy. Bulihan, Malvar, na kunwari ay ginagamit ng sindikato na garahe ng mga tanker truck, ay may P1 milyon weekly ang nakukubra nina Lorenzo, Quimbo at Cincoang.
Nag-o-operate din ng paihian ng gasolina, krudo at gas at pasingaw ng LPG ang isang PNP colonel at ang hitman/body guard nitong isang fake police Sgt. Buloy sa may main gate ng Batangas City Pier, Brgy. Sta Clara.
Tiniyak ng isang opisyal, Batangas City Mayor Beverley Rose Dimacuha, na hindi nila papayagang mamayani ang labag sa batas at perwisyong operasyon nina Rico at ng DDS na PNP colonel sa lungsod.
Marami nang nagtangka mag-operate ng paihian sa naturang siyudad pero agad naipalansag ng butihing lady mayor, maliban lamang sa operasyon nina Rico at ni alyas “Colonel Buriki”, na nagawang pagtakpan ang operasyon ng ilang eskalawag na miyembro ng Batangas PNP Command, CIDG Provincial Office at NBI.
May paihi/buriki pa na kinokolektahan ang grupo nina Lorenzo, Quimbo at Cincoang sa Brgy. San Felipe at Bawi sa Padre Garcia, Batangas na ino-operate ng mga magkakasosyong alyas Tisoy, Nonit, RR at Roy.
May tatlong dekada naring nag-o-operate ang isa pa sa pinakamalaking paihian sa bansa, na nasa Brgy. Bancal, Carmona City at ino-operate ng isang alyas Amang at kasosyo nitong Violago Group na kinabibilangan nina alyas Goto, Bogs at Cholo, kungsaan tameme rito sina Cavite PNP Director Col. Eleuterio Ricardo Jr., at City Police Chief LtCol. Jefferson Ison.
Ang notoryus na Violago Group, na sangkot din sa big time illegal transport ng shabu, ay may mga kuta pa ng paihi sa Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Metro Manila na kinolektahan ng milyones na lingguhang payola ng CIDG.
Ang iba pang operator ng paihi/buriki na may tarang mil-yon-milyong protection money sa grupo nina Lorenzo, Quimbo at Cincoang ay sina alyas Troy na may paihian ng CNE, coconut at cooking oil sa Brgy. Salinas, Lucena City; at alyas Sammy at kasosyong Alfred na nagpapatakbo ng paihian ng petroleum product at pasingawan ng LPG sa Brgy. San Luis, Guinyangan, Quezon, sakop ni Col. Ledon Monte.