Advertisers
Nasawi ang isang army reservist nang pagbabarilin sa Antipolo City.
Sa ulat, pauwi na galling simbahan ang 49-anyos na army reservist nang buntutan siya ng hindi pa tukoy na riding-in-tandem sa Brgy. San Jose sa Antipolo noong Miyurkeles.
Blanko pa ang mga ka-anak ng biktima at pulisya sa motibo ng krimen.
“Posible po na pinagplanuhan, kasi inabangan po talaga siya paglabas ng kanilang simbahan. Nakabukas po iyong bintana kasi nag-yoyosi ‘raw di umano iyong biktima noong pagbabarilin siya,” saad ni Police Captain Carlo Tamondong ng Antipolo Component City Police Station.
Sinundan siya ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at saka po pinagbabaril siya,” dagdag niya.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.
Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan.
Bumalik pa raw pa-marcos highway ang mga salarin matapos tambangan ang biktima.
Patuloy na sinusuyod ng mga awtoridad ang mga cctv sa lugar para matunton ang mga salarin na posibleng maharap sa reklamong murder.