Advertisers
Malubhang nasugatan ang isang kasambahay ni Commissioner Archie Buaya ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) ng ratratin ng assault rifles ng mga armadong grupo ang kanyang tahanan sa Barangay Labungan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Huwebes, October 10, 2024.
Sa ulo ang tama ng bala na tinamo ng biktimang si John Debang, malubha ang kalagayan.
Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials sa Labungan, nilapitan ng mga armado ang bahay ni Buaya at pinagbabaril gamit mga assault rifles.
Wala sa kanyang bahay si Buaya dahil nasa official travel ito sa labas ng bansa.
Niratrat din ng mga salarin ang bahay ng empleyado ng BHCR na si Ben Aguil, katabi ng bahay ni Commissioner Buaya, ayon sa mga barangay leaders.
Si Commissioner Buaya, si Debang at Aguil mga kasapi ng etnikong tribong Teduray, na abot na sa 75 ang mga tribal leaders sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na mga probinsya ng Bangsamoroang at ilang mga bayan sa Sultan Kudarat sa Region 12 ang napatay sa mga serye ng pamamaril ng mga armadong mga sakay ng motorsiklo, mga ambush sa mga liblib na lugar at pang-aatake mismo sa kanilang mga tahanan nitong nakalipas na anim na taon.
Sa isang opisyal na pahayag, kinundena ng Bangsamoro Human Rights Commission ang pamamaril sa bahay nila Commissioner Buaya at Aguil na nag-resulta sa malubhang pagkakasugat ni Debang, ngayon nasa isang pagamutan, agaw buhay.