Advertisers
Nasawi ang mag-ama ng pagbabarilin ng kamag anak dahil sa mainitang pagtatalo sa Barangay Jaybanga ng Lobo, Batangas, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Pedrito Magnaye, 63-anyos; at Jayvee Magnaye, 24-anyos; habang ang salarin kinilalang si Rustico Magnaye, nasa hustong gulang, mga residente sa nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lobo Municipal Police Station habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ng biktimang si Jayvee, kumuha ng 12 gauge shot gun si Rustico at ipinutok sa biktima na tinamaan sa binti at dali dali naman sumaklolo ang amang si Pedrito ng makita ang sinapit ng anak subali’t pati siya pinputokan ng dalawang beses sa katawan ng kanilang kaanak na suspek na naging dahilan para agad bawian ng buhay si Pedrito at nagawa naman isugod sa ospital si Jayvee na binawian din ng buhay makaraang maubosan ng dugo habang nilalapatan ng lunas.
Nagpapatuloy ngayon ang manhunt operation laban sa tumakas na suspek na armado ng shot gun at nakatakdang sampahan ng kasong Double Murder.(Koi Laura)