Advertisers
Hinatulan ang isang mag-asawa ng qualified human trafficking nang hikayatin ang isang teenager na gumawa ng mga hubo’t hubad na palabas online para sa mga dayuhan.
Sinabi ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) noong Huwebes na ang Malolos City Regional Trial Court Branch 4 ay napatunayang nagkasala ang mag-asawa sa krimen ng qualified trafficking.
Hinatulan ng korte ang dalawang akusado ng habambuhay na pagkakakulong at inutusan din silang magbayad ng multang P2 milyon bawat isa.
Bukod dito, inutusan din silang bayaran ang menor de edad na biktima ng P500,000 para sa moral damages at P100,000 para sa exemplary damages.
Ayon sa IACAT, nakatakas ang menor de edad at nagsumbong sa mga opisyal ng barangay, na humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa mag-asawa.