Advertisers

Advertisers

Big boss ng mga illegal POGOs nadakma sa Laguna

0 22

Advertisers

ARESTADO ang pinuno ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Lucky South 99 na nakabase sa Porac, Pampanga, Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na nadakip nila si Lyu Dong sa isang subdivision sa Binan City, Laguna sa pamamagitan ng warrant of arrest at mission order na inisyu ng Bureau of Immigration.

Ayon sa tagapagsalita ng PAOCC na si Winston Casio, si Lyu Dong na big boss ng mga iligal na POGO sa bansa partikular ang sa Porac, at Bamban, Tarlac, ay inilagay sa ilalim ng matinding pagbabantay bago nakorner sa isang pagtitipon kasama ang ilang kasamang Chinese.



Kilala si Dong sa mga alyas Boss Boga, Boss Apao at Boss Bahaw. Dinala siya PAOCC detention facility sa Pasay City para sa inquest proceedings.