Advertisers

Advertisers

CALABARZON PNP-HPG NGANGA VS PAIHI SYNDICATE… Trucking driver, helper, pasok sa multi-million buriki operation

0 1,549

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NAGBABALA ang grupo ng anti-crime and vice crusaders sa trucking firm operators na masusing subaybayan ang kani-kanilang mga driver at pahinante sa harap ng ulat na marami sa mga ito ay nakikipagsabwatan sa sindikatong paihi/buriki sa CALABARZON lalo na mga nag-o-operate sa Batangas City, Lucena City, Quezon Province, Carmona City sa lalawigan ng Cavite; at Cabuyao City, Laguna.

Batay sa ulat ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), tinatayang higit sa 100 drivers at helpers ng tankers, capsules at cargo trucks ang nagbebenta ng kanilang ninanakaw na kargamentong petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) sa mga grupo ng sindikatong nagkukuta sa Batangas City, Lucena City, Quezon Province, Carmona City, Cavite, Cabuyao City, Laguna, at Tanay, Rizal.



Ang mga paihi group na binebentahan ng mga tiwaling driver at pahinante ng kanilang pinaiihi o binuburiking gasolina, krudo at pinasisingaw na LPG ay ang pinatatakbo ni alyas Rico Mendoza sa harap ng Toyota Car Parking Area sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Banaba South, Batangas City at ang ino-operate ng Duterte Die Hard (DDS) PNP colonel at fake police Sgt. Buloy sa kalapit ng main gate ng Batangas City Pier, Brgy. Sta Clara.

Ayon sa MKKB, mistulang inutil ang ilang opisyales at miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Camp Miguel Malvar, Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City dahil sa kawalan ng aksyon ng mga ito laban sa naturang sindikatong itinuturing na “economic saboteurs” sa bansa.

Nabatid na may atas si PNP Region 4A Director, BGen. Paul Kenneth Lucas, sa kanyang mga provincial director at police chiefs na sundin ang kautusang “No take Policy”, ngunit wari’y hindi ito nasusunod at sinusuway ng kapulisan sa Batangas City, Lucena City, bayan ng Guinyangan, Carmona City, Cabuyao City, bayan ng Tanay, Rizal at iba pang dako ng CALABARZON.

Ang iba pang sindikato ng paihi ay ang nag-o-operate sa Brgy. Salinas, Lucena City na pinatatakbo ni alyas Troy; Brgy. San Luis, Guinyangan na minamantine nina alyas Sammy at Alfred; Brgy. Bancal, Carmona City na ino-operate nina Amang at Violago Group na pinamumunuan nina Goto, Bogs at Cholo; sa Silangan Exit, Cabuyao City, Laguna na minamaneobra ni alyas Ador at kapatid nito; at ang nasa kahabaan ng Marilaque Highway Tanay, Rizal.

Kabilang sa mga tanker at capsule truck na malimit ay nakikitang nakaparada sa harap ng kuta ng paihian nina alyas Rico sa Brgy. Banaba South, Batangas City ay ang ino-operate ng trucking firm na Jamax, Oleum, GDNC, EAS Tan, Alpha 2, Eco, 7 Fuel, Prime, All Prime, Venture at Petro Ventures, ayon sa MKKB.



Suspetsa ng mga miyembro ng MKKB at ng mga residente ng naturang lungsod, malamang na walang kamalay-malay ang management ng naturang trucking companies na kaalam ng sindikato ang kanilang driver at pahinante.

Idinadaan ng maraming mga tiwaling driver at pahinante ang kanilang mga tanker, capsule at cargo truck sa alinmang kuta ng sindikatong paihi/buriki, kalimitan nito ay sa kuta ni alyas Rico sa Banaba South sakop ni Brgy. Chairwoman Estrella Que, at sa ino-operate ng DDS colonel at Sgt. Buloy sa Brgy. Sta Clara, kapwa sa Batangas City.

Ibenebenta ng mga naturang driver at helper ang pinakamababang 1,000 litrong petrolyo saka binabantuan ng Methanol chemical ang nabawasang kargamento upang ‘di mahalatang ipinanakaw na nila sa sindikatong paihi/buriki ang karga nilang produkto. Nagpapasingaw din ang mga ito ng LPG at isinasalin sa mga empty LPG tank na pag-aari ng sindikato bago i-deliver ang mga ito sa mga gasolinahan at LPG outlets sa Region 4A, Metro Manila at kabisayaan.

Bagamat garapal at hayagan ang nagaganap na paihi/buriki sa Batangas City, Lucena City, Guinyangan, Quezon Province, Carmona City, Cavite,Cabuyao City, Laguna at iba’t ibang panig ng CALABARZON ay mukhang inutil, pagkat zero accomplishment, laban sa nasabing sindikato ang mga PNP-HPG team sa naturang mga siyudad, bayan at maging ang PNP -HPG Regional Field Unit sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.