Advertisers
Naging mitsa ng kamatayan ng isang ginang na negosyante ang paniningil nito sa isang babae na may pagkakautang sa kanya nang tarakan ng patalim sa dibdib sa Sitio Stella Mariz, Barangay Bagong Bayan, Mauban.
Naiwan pang nakatarak ang patalim sa dibdib ng biktimang si Michelle Pajarillo, 42, may-asawa, bago siya isinugod sa ospital subalit’ nalagutan din ng hininga.
Tinutugis na ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “Arlene”, 45, may live in partner.
Ayon sa imbestigasyon ng Mauban Police, ala-1:45 ng hapon ay pumasok ang biktima sa bahay ng suspek upang maningil ng utang.
Maya-maya nakarinig ang kanilang mga kapitbahay ng pagtatalo sa bahay ng suspek at makalipas ang ilang minuto ay nakitang lumabas ang biktima na duguan at may nakatarak na patalim sa dibdib.
Inihahanda na ang kasong pagpatay laban sa suspek.