Advertisers

Advertisers

Mag-ama patay sa kinaing namatay na kalabaw

0 17

Advertisers

Nasawi ang isang magsasaka at anak na hinihinalang ma-infect ng anthrax mula sa kinatay at kinain nilang karne ng kalabaw sa bayan ng Sto. Nino, Cagayan.

Sinabi ng Cagayan Provincial Health Office, noong Oktubre 6 nang kainin ng isang magsasaka ang kanyang kalabaw na kalaunan natagpuang patay kinaumagahan.

Sa halip na ilibing ang bangkay, kinatay nila ng kanyang anak ang hayop at ipinagbili ang karne nito. Kinain din nila ang carabeef.

Pagkaraan ng ilang araw, nagkasakit ang dalawang lalaki. Nakaranas ang mga biktima ng lagnat, panginginig, nanghina ang katawan at nagkaroon ng madilim na kulay na mga sugat sa kanilang balat.

Parehong naka-confine sa ospital. Ang kanilang mga specimen ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang matukoy kung sila ay nahawaan ng anthrax.

Inoobserbahan din ng mga awtoridad ang nasa 100 katao na bumili ng karne ng kalabaw.

Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention at ng Department of Health, ang anthrax ay isang bacterial disease (Bacillus anthracis) na karaniwang nakakahawa sa mga hayop na kinabibilangan ng mga kalabaw.

Maaaring maipasa ang bakterya sa mga tao na nagkatay o kumakain ng karne ng mga hayop na nahawaan ng anthrax, lalo na kung ito ay natupok ng hilaw o hindi wastong pagkaluto.

Maaari rin mahawahan ang isang tao kung ang bacteria spores ay nalalanghap o nakapasok sa pamamagitan ng bukas na sugat.