Advertisers

Advertisers

Negosyante timbog sa pekeng yosi

0 111

Advertisers

Kulong ang isang negosyante nang arestuhin ng magkasanib na puwersa ng Zambales Maritime Police Station (MARPSTA) at Olongapo Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa mga palengke ng Iba, Zambales noong Martes.

Walang kawala ang suspek, na hindi tinukoy ang pangalan alinsunod sa Data Privacy Act, nang mabitag ito ng mga awtoridad sa New Iba Public Market sa Barangay Dirita-Baloguen sa Iba, Zambales na nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.



Narekober sa suspek ang kahong-kahon na pakete at ream ng iba’t ibang brand ng mga pekeng sigarilyo, kabilang ang Modern, Two Moon, King Master at Champion.

Kasalukuyang pinangangasiwaan ng BIR ang dokumentasyon ng mga nasamsam na produkto.

Kakasuhan ito ng paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 at Republic Act 10963 o Train Law.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">