Advertisers

Advertisers

QUIBOLOY IDINIIN NG DATING MIEMBRO SA MGA KASONG PANG-AABUSO!

0 16

Advertisers

IKINUWENTO ng dating Kingdom of Jesus Christ (KOJC) member nitong Miyerkules kung paano niya pinagsamantalahan ang mga bata para makuha ang P15 million quota para sa Christmas.

Nag-testify sa Senate committee on women, children, family relations and gender equality, ikinuwento ni Teresita Valdehueza na ang caroling kada Disyembre ang isa sa mga pinagkukunan ng pondo ng KOJC kungsaan ang lahat ng miyembro ay obligadong magtrabaho.

“Naghirap ang maraming workers at members sa pag-caroling at pag-solicit sa bawat tao sa lahat ng dako dito sa ating bansa. May namatay, may naaksidente, may nakulong, may mga na-rape pa na hindi na nai-report dahil baka hindi paniwalaan,” kuwento ni Valdehueza.



“Meron din po akong quota na P10 to P15 million to raise in the month of December alone. I organized the nationwide caroling to meet my quota. We recruited and trafficked our young people from Mindanao and Visayas to carol in the provinces of Luzon and in the National Capital Region cities,” dagdag niya.

Para makakalap ng pondo para sa Christmas, sinabi ni Valdehueza na maraming estudyante ang lumiliban sa klase mula Nobyembre para i-prioritize ang kailangan ng simbahan.

Sinabi niyang wala isa man sa mga miyembro ang naglalakas-loob magtanong kung saan napupunta ang pera.

Ginawa ni Valdehueza ang akusasyon sa presenya ng KOJC founder, Apollo Quiboloy, na dumalo sa Senate probe.

Itinanggi naman ni Quiboloy ang mga alegasyon laban sa kanya. “Wala po kaming mga polisya na magpalimos ang bata”.



“Hindi po. Wala pong katotohanan ‘yun ,” sabi pa ni Quiboloy nang tanungin ng panel chair na si Sen. Risa Hontiveros kung inutusan nga niya ang mga bata para mamalimos kahit walang polisiya.

Pagkalipas ng Disyembre, sinabi ni Valdehueza na ang mga miyembro ay kailangan namang magbenta ng rice delicacies para naman sa mag-offer ng pledges para sa ‘Alay kay Kristo’, building funds, love offerings, television pledges, tithes, at iba pa…

At mula February hanggang October, sinabi niyang ang ibang trabahador sa logistics department ay kailangan mag-solicit uli sa pamamagitan ng ministry’s associations.

“The supposed income na dapat ibigay sa mga beneficiaries sa mga nasabing associations hindi naman talaga truthfully and honestly naibigay. Only a little portion of the income was shared to the beneficiaries,” sabi ni Valdehueza.

“Ang ibang workers naman walang hinto sa pagtinda rin ng mga kakanin na may quota of P500-P1000 a day Monday to Saturday,” pagpapatuloy niya.

Si Quiboloy ay kasalukuyang nahaharap sa non-bailable qualified human trafficking charge sa Pasig court. Nahaharap din siya sa paglabag sa Republic Act 7610, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Maliban dito, nahaharap din si Quiboloy sa maraming kasong kriminal sa Amerika. May arrest warrant siya sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Si Quiboloy ay naging spiritual adviser ni dating Pangulo Rody Duterte. (Mylene Alfonso)