Advertisers
Umakyat na sa 20 katao ang nasawi at 4 ang missing sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol Region batay sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay BGen Andre Dizon, Director Police Region Office 5, sa 20 naitalang nasawi 7 mula sa Naga City, 5 sa Catanduanes, 4 sa Albay tig-1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate. Habang 4 na missing, 2 ang naitala sa Masbate at tig 1 sa Camarines Sur at Albay na patuloy ang isinagawang search and rescue operation.
Karamihan sa mga nasawi sanhi ng pagkalunod, landslide 1 naman ang nadaganan ng natubang puno ng kahoy sa Masbate.
Sinabi ni Dizon na isasailalim pa sa validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Management of the Dead and Missing ang mga naturang kaso
Nanatili naman ang 23,517 pamilya o 119,488 katao sa mga itilinagang evacuation center sa rehiyon.
Nakapagtala naman ng 19 landslide kung saan 10 sa Albay, 4 sa Sorsogon, 3 sa Camarines Sur at 2 sa Camarines Norte.
Nasa 3,257 passenger ang stranded sa seaport sanhi ng pagkakansela ng 26 mga biyahe sa Bicol .
Sa kasalukuynag sinabi ni Dizon nagpapatuloy ang isinasgawang rescue operation sa mga Bayan ng Ligao, Oas, Libon Polangui sa Albay at Naga City Nabua sa Camarines Sur dahil sa mataas ang ang tubig Baha.(Mark Obleada)