Advertisers
Nasawi ang 5 miyembro ng Dawlah Islamiya-inspired Group habang 2 ang naaresto nang makaengkwentro ang mga otoridad na maghahain ng warrant of arrest sa Sultan Naga Dimapor, Lanao del Norte nitong Miyerkules ng hapon
Kinilala ang mga nasawai na sina Uya Dama y Monagen alias “Lagbas “, ng Sitio Lower Camanga, Brgy. Lipacan, Malangas, ZSP; Eluma Datumaas, ng Purok 2, Brgy. Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte; Husni Datumaas, ng Purok 2, Brgy Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte; Musa Dama y Monagen alias Tonte ng Sitio Lower Camanga, Brgy. Lipacan, Malangas, ZSP; at habang inaalam pa ang pagkakakilanan ng isa sa mga suspek.
Samantala ang dalawang nadakip na suspek na sina RAuf Datumaas y Odin, 30-anyos, ng Purok 2, Brgy. Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte; at Bucari Datumaas ng Purok 2, Brgy. Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Ayon kay BGen Nicolas Torre III, Chief ng CIDG, 12:30 ng hapon nang magsagawa ng opetasyon ang pinagsanib na elemento ng CIDG Zamboanga Del Sur Provincial Field Unit 5th Special Operations Unit-Maritime Group; 3rd Scout Ranger Battalion; 12th Division Recon Company; 5th Mechanized Battalion; 2nd Mechanized Brigade; Zamboanga Sibugay Provincial Intelligence and Zamboanga Del Sur Provincial Intelligence Team, Brgy. Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte.
Nabatid na maghahain ng warrant of arrest sa kasong kidnapping/ serious illegal detention na ipinalabas ni Hon. Romeo T. Descallar, Assisting Judge, RTC, 9th Judicial Region, Branch 31, Imelda, Zamboanga Sibugay laban kina Uya Dama at Musa Dama ang otoridad.
Pinaputukan ng mga suspek ang mga paparating na mga otoridad dahilan upang gumanti ng putok at nagsimula ang engkwentro.
Narekober ang 3 M16A1 rifle caliber 5.56 mm (Colt) 3 M1 Garand Rifle Caliber .40 pistol, 2 units ng MK2 Fragmentation Hand Grenade; (2) sling bags; a(3) touch screen cellular phone. (1) Cal. 45 pistolat ; (1) unit ng radio (Baofeng);
Ayon kay Torre sina alias Tonte at Lagbas mga miyembro ng local terrorist group na sangkot sa ibat’t- ibang mga iligal na aktibidades sa Rehiyon ng kabilang ang pagkidnap sa isang Laarni Buen, secretary ng Malangas, Zambaonga Sibugay noong 2018.
Ibinigay ang labi ng 5 nasawing terorista sa kanilang mga pamilya para sa maayos na paglilibing habang sina Raul Datumaas at Bocare Datumaas nasa kustodiya ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) and R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives) sa Office of the Provincial Prosecutor of Lanao del Norte.(Mark Obleada)