Advertisers

Advertisers

ACT-CIS, NAMIGAY NG 2,000 SAKO NG BIGAS AT P1 MILYONG CASH SA MGA BIKTIMA NG BAGYO SA BICOL

0 12

Advertisers

KABUUANG 2,000 sako ng bigas at P1 milyon cash ang ipinamahagi ngayon (Oktubre 24) ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol region.

“Ito po yung konting ambag naming ng ACT-CIS tsaka ng Erwin Tulfo Action Center para sa mga kababayan natin po na binaha, binagyo po diyan sa Bicolandia para makatulong po sa mga kababayan natin doon,” ani Tulfo sa isang pahayag.

Kahapon, sa utos ni Rep. Tulfo, na isa ring PCGA Auxiliary Commodore, personal na nagtungo ang kanyang chief of staff na si PCGA Auxiliary Cdr. Jerico Javier, para personal na ihatid ang P1 milyong cash at 1,000 sako ng bigas sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).



Personal na donasyon naman ng magkapatid na Cong. Eric at Edvic Yap ang P1 milyon cash.

Ipapakalat ng Coast Guard ang cash at bigas sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol region.

Samantala, nakipag-ugnayan din ang opisina ni Tulfo at ACT-CIS partylist sa tanggapan naman ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President Leni Robredo para naman sa karagdagang 500 sako ng bigas na ihahatid sa warehouse ng nasabing foundation sa Quezon City ngayong araw.

Ayon naman kay Jeff Soriano, “Hindi po kami titigil sa ACT-CIS sa pagtulong, ano man pong panahon, may sakuna o wala, kami po ay tuloy-tuloy na tumutulong at naghahanap ng paraan para makatulong sating kapwa Pilipino,”

Aabot din sa 500 sako pa ng bigas ang ipakakalat naman sa bayan ng Iriga at iba pang bayan sa Bicol region na grabeng nasalanta ng bagyo.