Advertisers
Ipinahayag ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes na 46 na katao na ang naiulat na nasawi dahil sa Tropical Storm ‘Kristine’.
Base sa datos mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga naiulat na nasawi mula sa Bicol Region na may 28 at sinundan ng Calabarzon na may 15.
Isang fatality naman ang naiulat bawat isa sa Ilocos Region, Central Luzon at Zamboanga Peninsula.
Sinabi rin ng OCD na may 20 na katao ang naiulat na nawawala at pitong iba pa ang naiulat na nasugatan.