Advertisers

Advertisers

P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NASA SENADO NA!

0 10

Advertisers

PORMAL nang isinumite ng Kamara sa Senado nitong Huwebes ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security.

Pinangunahan ni Ako Bicol Rep. at House appropriations committee chairman Zaldy Co ang pagsumite sa naturang budget.

Ang nasabing national budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mahihirap, magsasaka, mag-aaral at mga sundalo.



Sinabi ni Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para naman sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod.

Dagdag pa ni Co na may dagdag ding pondo para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo.

Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado.

Inaasahang matatapos sa Disyembre ang talakayan para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">