Advertisers
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang naunang pagpapalabas ng year-end bonus at cash gift para sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.
Naglabas ang ahensya ng Budget Circular No. 2024-3 na may petsang Oktubre 22 na may titled na, “Amending Section 6.1 of Budget Circular No. 2016-4 on Payment of Year-End Bonus and Cash Gift.”, na nagsasabing ang year-end bonus ng mga empleyado ng gobyerno katumbas ng isang buwang basic pay simula Oktubre 31 at cash gift na PHP5,000 ay maaaring i-release “kasabay ng unang payroll ng ahensya para sa buwan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon” na napapailalim sa mga kondisyon.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ito ay dahil sa obserbasyon na “patuloy na nakakaranas ng pagkaantala ang mga tauhan ng gobyerno sa pagtanggap ng mga bonus at cash gift, na nakakaapekto sa kanilang moral, motibasyon, at antas ng kasiyahan sa trabaho.”
Sa mga nakaraang taon, ang year-end bonus at cash gift ay ibinibigay sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno nang hindi mas maaga sa Nobyembre 15. (Vanz Fernandez)