Advertisers

Advertisers

Pres. Marcos nagpaabot ng simpatiya sa Kristine victims; Agarang tulong pinatitiyak

0 15

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang nitong Biyernes kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga gabinete at mga head ng iba’t ibang government agencies.

Bilang agarang tugon ng pamahalaaan, iniulat ng Pangulong Marcos na dumating na sa Bicol International Airport (BIA) ang C130 aircraft ng Phil. Air Force nitong Biyernes ng umaga na may bitbit na mga food stuff, relief items at mga equipment gaya ng generator sets, satellite communication, water filtration units at mga personnel ng AFP.



Ayon kay Pangulong Marcos, nag-deploy din ang AFP ng mga sundalo mula sa Phil Army na na magsasagawa search and rescue efforts at humanitarian mission.

Sa ngayon nasa kabuuang 40 na rescue boats na ang na-deploy.

Sinabi ng Pangulo kaniyang pinatitiyak sa mga concerned agencies na kaagad mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang pag-mobilize sa mga personnel ng AFP, PNP, PCG at BFP para tumulong sa search and rescue operation at pamamahagi ng tulong.

Nagpaabot naman ang pangulo ng simpatiya sa mga kababayan nating naapektuhan ng hagupit ng bagyong kristine.



Ayon kay Pangulong Marcos, nagsusumikap ang gobyerno na maibigay ang agarang pangangailangan para sa ating mga kababayan.

Sinabi ng Pangulo, 24 oras nagtatrabaho ang gobyerno para mabigyan ng agarang tulong ang ating mga kababayan.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang proactive measures ng mga LGUs kung saan maraming buhay ang naligtas. Maituturing kasing first responders ang mga ito. (Vanz Fernandez)