Advertisers

Advertisers

5 Adik, timbog sa buy bust sa Bataan

0 17

Advertisers

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng  ng mga tauhan ng Pdea at Balanga City Police ang 5 katao na kapwa sangkot sa bentahan ng illegal na droga sa  Sitio Maite Brgy. Tenejero, Bataan..

Sa inisyal na report ng PDEA Bataan Provincial Office  kinilala ang mga nadakip na sina Ana Marie Acosta y Segismar alyas Jenny, 48; Edmond Santos y Castillo 52; Sheryl Gamat y Camposano alyas Che Che, 39, ng Brgy, Tenejero, Elemer Barias y Sarmiento,; 31 at Joana Marie Bautista Y Acosta, 26-anyos kapwa Saint Rose, Brgy. Camacho, Balanga City.



Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, nakuha rin sa kanila ang assorted drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  ang kakaharapin na kaso ng mga suspek.(Thony Arcenal)