Advertisers
Nasawi ang mag-ama nang bumaligtad ang sinasakyan nilang habal-habal at sumabit sa live-wire nang maghatid ng ‘tuba’ o coconut wine, sa Iligan city.
Agad na nasawi ang hindi pinangalanang 27-anyos na ama at 9-taong gulang nitong anak na kapwa residente ng Sitio Maglabid, Barangay Digkilaan.
Ayon kay Police Major Zandrex Panolong, tagapagsalita ng Iligan City Police Office, 12;00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Sitio Kalapanit , Barangay Kabacsanan ng naturang lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng ama ang habal-habal sakay ang anak nito at pauwi na sana sila sa kanilang tahanan pagkatapos maghatid ng nabanggit na alak.
Habang paakyat ang mga ito sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay, bigla na lamang silang bumaligtad at nasagi ang wire ng Iligan Light and Power Inc. (ILPI).
Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa katawan ng mag-ama ay nasunog ang katawan agad na binawian ng buhay ang mga ito.