Advertisers

Advertisers

Sheryl pinarangalan sa Philippines Distinct Men and Women of Excellence

0 13

Advertisers

Ni Rommel Placente

DAHIL sa pagiging mahusay niyang aktres, pinarangalan si Sheryl Cruz bilang Distinct Best TV Actress of the Year sa katatapos lang na awarding ceremony ng Philippines Distinct Men and Women of Excellence.

Siyempre pa, happy and proud si Sheryl sa recognition na natanggap niya mula sa nasabing award-giving body, na ang President/CEO ay si Direk Romm Burlat.



Narito ang bahagi ng accepatance speech ni Sheryl. “To my fellow awardees, congratulations! Inihahandog ko ho ito, unang-una sa lahat sa Poong Maykapal. Pangalawa, sa mga minamahal ko sa buhay, lalo na ‘yung mga yumao na. Sa aking anak na si Ashley. Sa yaya ko si Nanay Doray, sa lahat ng aming mga kasambahay.

“Inihahandog ko rin po ito sa mga kaibigan kong minamahal pati na rin sa aking mga tagahanga, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo dahil sa inyong walang sawang pagsubaybay sa lahat ng ginagawa ko sa aking karera.

“At huling-huli sa lahat, aking inihahandog ang pang-apat na award ko sa taong ito, isa na lang grand slam na, sa aking minamahal na manager, walang iba, si Rams David.

“At hindi ko makakalimutan ang pamilya ko sa showbiz industry, sa GMA 7 network. At ang pamilya ko sa Lilet Matias, Attorney-at-Law, na pinangungunahan ni Miss Jo Berry. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta.”

Congratulations Sheryl!



***

ISINUGOD sa ospital ang actress -vlogger na si Ivana Alawi. Sa kanyang Instagram story ay pinost niya ang isang larawan na nasa hospital bed siya na naka-dextrose at ang caption niya, “Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well [sad emoj].”

Walang ibinigay na detalye o impormasyon si Ivana kung ano ang sakit nito.

Kagaga­ling lang sa grand vacation sa Europe ni Ivana base sa kanyang mga post sa kanyang social media platforms pero wala rin siyang nabanggit kung sino ang kanyang kasama.

Isang panibagong post naman sa kanyang IG story ang ibinahagi niya kung saan finlex niya ang bulaklak na padala ng kaniyang PPL management at ipinakita niya ang card na may mensaheng “Get well soon Ivana. Let your body rest. Lalaro pa tayo mg badminton”. Love kuya Perry at kuya Pao.