Advertisers
NAGING maugong ang usap-usapang may Maglalang karamdaman ang Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) at ang Malacañang ay agad na nagbabala sa mga nagkalalat nito, dahil “fake news” nga ito.
Maging so Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Sabado ay kumasa na din at nanawagan na sa PNP-CIDG at NBI na hanapin ang mga nagpasimuno sa nagkalalat ng making balita na ito.
Kulungan ang dapat kabagsakan daw ng mga nagpapakalat ng fake news na ito, ayon kay Gadon. Dahil nga nakakapag-pagulo lamang Ito at nagdudulot ng kalituhan sa karamihan.
Tinuran niya ang kumalat na fake news noong nakaraang pagdidiriwang ng Araw ng Kagitingan kung saan si PBBM ay nagpunta pa sa Bataan para gunitain ang kabayanihan ng ating mga lolo at lola sa nagdaang digmaan.
Ang sabi kasi sa fake news na kumalat sa mga social media, nireplay lamang ang mga video na naroon si PBBM sa Bataan. Noong nakaraang rain pa raw ang mga lumabas na video sa mga balita.
Ang sabi ni Gadon, siya mismo ay na dun sa Bataan at nakita at nakausap pa si PBBM.
“Magkasama kami ni President Bongbong Marcos noong April 9,” ang pahayag ni Gadon at sinabing pinayuhan pa siya ni PBBM na huwag masyadong magagamit sa mga kritiko ng administration dahil siya mismo ay may diprensiya na sa puso.
Sa katunayan, naglabas pa ang Kalihim ng sarili niyang video nang nag-usap sila ng Pangulo. Paano nga namang replay ang mga video sa mga balita?
“Ang iba pa diyan ay hindi talaga ginagamit ang utak at sinasabi na ‘yung event sa Bataan ay last year pa at iyon ay nireplay lamang. Aba, katatawa-tawa naman iyan. Anong klase ng utak mayroon kayo? Ika-84 nga—kitang-kita sa backdrop at sa mga live sa telebisyon na 84th Araw ng Kagitingan. Kung last year iyon, dapat 83rd ang nakalagay. Gamitin naman ang utak. Mag-isip-isip din kung may time,” paliwanag ni Gadon.
“Sobra-sobra na ang pagmamalabis ng mga DDS bloggers na ito na nagpapakalat ng fake news na si PBBM daw ay patay na, may stage 4 cancer, o may karamdaman na kinakailangang i-confine sa ospital sa Quezon City. Iyan ay pawang kasinungalingan” dagdag pa niya.
Ginamit ko ang mga kataga mismo ng Kalihim dahil ito ang magpapatunay na fake news nga ang mga balitang kumalat na may malalang sakit si PBBM.
At para sa mga nagkalalat ng fake news na mga ito, humans na lamang kayo, dahil pihadong kulungan ang bagsak niyo, kapag nagkabistuhan na kung sino-sino kayo.