Advertisers
SINABI ng Czech Ministry of Justice na “has not yet received any information” tungkol sa pag-aresto kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co ng mga awtoridad sa Czech Republic noong Huwebes.
“The Ministry of Justice has not yet received any information about the person in question. We are in contact with the police, who are currently investigating the circumstances surrounding this person,” ayon sa tagapagsalita ng ministry na si Markéta Andrová, na iniulat ng Czech news website Seznam Zpravy.
Ayon sa unang ulat, kasama ni Co ang kanyang pamilya nang pahintuin sila at isinailalim sa random border check habang papasok sana sa Germany mula sa Czech Republic.
Ayon sa source, nasa isang sasakyan na may French license plates si Co at ang kanyang pamilya, na minamaneho ng isang French driver, nang ma-check sila sa border. Dahil umano sa kakulangan ng travel documents, ibinalik sila sa Czech Republic matapos ang inspeksyon sa border ng Germany.
Ayon sa ulat, ang mas mahigpit na border control ng Germany ay pinalawig hanggang Setyembre 15.
Hindi pa malinaw kung sinu-sino sa pamilya ang kasama ni Co, nguni’t kasama sila sa random checks ng German authorities.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kasalukuyang nasa immigration detention si Co matapos ituring na undocumented foreign national.
Ani Remulla, “within a week or within a month” maaaring maibalik si Co sa Pilipinas.
Para sa kanyang pagbalik, isinusulong ng Pilipinas ang dalawang paraan: Interpol red notice at koordinasyon sa gobyerno ng Czech Republic para sa deportation.