Advertisers

Advertisers

BILYONES NA PROYEKTO LABAN SA KALIKASAN SA BATANGAS INALMAHAN!

0 7

Advertisers

NI: CRIS A. IBON

MAHIGPIT ang pagtutol ng mga mamamayan sa operasyon ng Php 1.3 bilyon halagang proyekto ng Pryce Gases Facility sa Barangay Talahib Pandayan, Batangas City at iba pang lugal na kinatatakutang magdudulot ng malawakang polusyon hindi lamang sa kalupaan at karagatan sa lalawigan ng Batangas kundi sa malaking bahagi ng bansa.

Matindi ang oposisyon dito ng mga nababahala at apektadong mamamayan dahil sa malaking panganib hindi lamang sa kalusugan, manapay sa natural na kalikasan.

Tinukoy ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na higit at lubhang apektado ang Verde Island Passage na sakop ng Batangas City na kilala bilang pandaigdigang “corridor” at “center of the center of marine biodiversity”. Kasabay nito, nanawagan ang MKKB kina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Executive Secretary Ralph Recto, iba pang mga opisyales ng pamahalaan na aksyunan ang panawagan ng mga apektadong mamamayan.

Ang tinatayang 1.14 ektarya ng “kipot” (passage) ay pinamumugaran ng tinatayang 1,736 shore fish species, endangered sea turtles, whale sharks, mahigit sa 300 coral species at iba pang yamang dagat. Sakop ng karagatang ito ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng dalawang milyong katao sa mga lalawigan ng Batangas, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at maging ng ‘di mabilang na mga mangingisda at biyahero sa Manila Bay, Palawan at hanggang South China Sea.

Kilala din bilang “Amazon of the Ocean” at isinusulong bilang UNESCO World Heritage Site ang mahigit sa 2 milyon na ektaryang Verde Island Passage na kinaroroonan ng mga bahura, lusay o halamang dagat na pinagkukunan ng oxygen ng mga dugong at pawikan pati na ng bakawan at nagsisilbing hadlang sa tidal wave at tsunami.

Nakatakdang mag-operate ang halos ay Php 1.3-B project na kung tawagin din ay Jetty Facility o Zone Heavy Industrial Project sa Brgy. Talahib Pandayan, na iniuulat ding malapit sa kinaroroonan ng bulubunduking lugal ng illegal quarry sa boundary ng Batangas City at ng bayan ng Lobo.

Nakadisenyo din ang storage facilty na daungan at kargahan ng sasakyang pandagat na maglululan ng marine infrastructures, industrial materials at liquefied natural gas (LNG).

Tutol na tutol din sa pag-ooperate ng Pryce Chemical storage facility ang mahigit sa 41,000 na residente ng kanugnog na bayan ng Lobo kahit na kumpleto na ang pagpapagawa sa Zone Heavy Industrial Project sa Brgy. Talahib Pandayan.

Layuning pag-imbakan ng delikado at nakalalasong kemikal na Liquid Carbon Dioxide, Liquid Nitrogen, Liquid Argon, Liquified Petroleum Gas at Liquid Oxygen ang nasabing storage plant.

Nabigyan ng clearance upang masimulan ang paggawa ng storage facility sa bisa ng Resolution No. 22-726 noong pang August 2024 ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas City kaugnay sa “Application for Zoning/ Locational Clearance ng Pryce Gases, Inc. plant sa Brgy. Talahib, Pandayan, Batangas City, bagamat walang malawakang konsultasyon sa mga mamamayan. May karugtong…