Advertisers
PAANO kaya naging “ebidensya” ang mga MOTORSIKLO ni Ramil Madriaga kaugnay sa isyu ng confidential funds na inuugnay kay VP Sara Duterte.
Sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment proceedings, inilabas ang umano’y mga dokumento at resibo ni Madriaga ng mga high-end motorcycles na sinasabing binili gamit ang perang mula umano sa kampo ng mga Duterte. Ngunit kapansin-pansin na ang mga ito ay nakapangalan mismo kay Madriaga .
Sa social media, hindi mapigiling at magbigay ng samut-saring reaksyon ng mga nitizens:
“Yung mga motor ni Madriaga, paano naging resibo eh naka pangalan mismo sa kanya”. – ani ng Isang nitizens
“Proof daw niya ‘yun na kay VP Sara galing ang pera. Paano naging proof ‘yun eh sa’yo naka pangalan tanga?” -komento ng Isa pang galit na nitizens
Matatandaang sa kanyang affidavit, sinabi ni Madriaga na nakatanggap umano siya ng ?25 milyon mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte upang bumili ng mamahaling motorsiklo, kabilang ang Ducati at Harley-Davidson units.
Ayon Kay Madriaga, ginamit umano ang mga ito para sa operasyon at mga aktibidad sa Metro Manila. Gayunman, ang paglalabas ng LTO registration documents na tumutugma sa mga modelong kanyang binanggit ay siya ring nagbukas ng mga tanong tungkol sa tunay na pinagmulan ng pondo.
Sa social media, naging hati ang opinyon ng publiko. May ilan na naniniwalang maaaring bahagi ito ng mas malaking ebidensya, habang ang marami ay hindi sumasang-ayon na hindi sapat ang ganitong dokumento para direktang iugnay ang pera sa bise presidente.
SAN SEBASTIAN COLLEGE OF LAW PINASINUNGALINGAN ANG PARATANG LABAN SA AKADEMIKONG KAKAYAHAN NI VP SARA DUTERTE
Samantala, mariing pinabulaanan ng San Sebastian College–Recoletos College of Law ang mga sinabi ni Ramil Madriaga tungkol sa umano’y kakayahang pang-akademiko ni Sara Duterte, at iginiit na walang katotohanan ang alegasyong nakaasa siya sa impluwensya ng pamilya.
Ayon kay Dean Atty. Ted Pastrana, mahigpit ang pamantayan ng paaralan at hindi maaaring makapasa ang sinuman sa law school dahil lamang sa apelyido, koneksyon, o espesyal na pabor mula sa institusyon.
Binigyang-diin din ng paaralan na ang naturang mga paratang ay walang basehan, nakasisira sa reputasyon ng institusyon, at taliwas sa kanilang paninindigan sa patas na pagtrato at akademikong integridad.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com