Advertisers
Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang mister nang tarakan ng ice pick ng isang construction worker nang mahuli nito sa akto na katabing matulog ang kaniyang common-law wife o live-in partner sa loob ng kanilang barracks sa Antipolo, Rizal, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Lionell”, 39 anyos, residente ng Sitio Kaybagsik, Brgy., San Luis, Antipolo City, Rizal.
Tinutugis naman ang salarin na si alyas “Joseph”, 42, at residente ng Sitio Epheta, Brgy., San Isidro, Antipolo City, Rizal.
Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa barracks ng International Swims Inc., sa Sitio Kaybagsik, Brgy., San Luis, Antipolo.
Naisugod pa sa Rizal Provincial Hospital System, Annex l ang biktima subali’t binawian na ng buhay.
Sa imbestigasyon, habang natutulog na magkatabi ang biktima at si alyas “Jennifer”, na sinasabing “two-timer” ay sumalakay ang salarin at pinagsasaksak sa dibdib at likod ang biktima.
Isang saksi ang sumilip sa naulinigang komosyon at doon nakita ang suspek na papatakas na sakay ng Bajaj motorcycle.