Advertisers

Advertisers

2 Chinese fishing boats namataan sa east coast ng Pilipinas – PCG

0 7

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang Chinese fishing boats sa east coast ng Luzon.

Sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, natanggap niya ang report nitong Lunes.

Ayon kay Trinidad, namataan ang dalawang barko sa 20 nautical miles sa east coast ng Luzon.



Bago nito naiulat ng security expert na si Ray Powell na nasa bahagi ng Casiguran, Aurora ang mga bangka ng China.

Samantala, sinabi ni Trinidad na sa kabila ng presensya ng dalawang fishing boats ay wala pa naman silang na-monitor na pangingisda na ginagawa ng mga ito kaya hindi pa ito maituturing na nakaalarma.

Sa ngayon, kumukuha pa ng karagdagang impormasyon ang Philippine Navy hinggil sa dalawang fishing boats ng China sa east coast ng bansa.