Advertisers
Ni Rommel Gonzales
MULA sa Viva Films at Happy Infinite Productions, Inc. at Studio Viva production, kasali si Jeffrey Hidalgo sa pelikulang Nanay, Tatay na sa panulat at direksyon ni Roni Benaid kung saan mga artista rin sina Aubrey Caraan, Heart Ryan, Elia Ilano, Billy Vileta at Xia Vigor.
Entry ito sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto kung saan mula rin sa Viva Films at Viva Studio, JPHLiX Films, BLVCK Films at Pelikula Indipendent ay entry rin ang Pasahero.
Kasali rin sa naturang horror film festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri.
Mapapanood ang mga entries sa Sine Sindak 2024 exclusively sa mga SM Cinemas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.
“Panoorin niyo na lang,” ang tumatawang sambit naman ni Jeffrey sa tanong namin kung naghubu’t hubad siya sa bago niyang pelikula sa Vivamax o VMX na Salsa Ni L.
“Sa Salsa Ni L, panoorin ninyo. May next din, yung Obsesyon, sa Vivamax din. Ano ako dun director at saka artista din ako.”
Ano mas nae-enjoy niya, pag-aartista o directing?
“Palagi ko namang sinasabi ‘to e, directing, singing, tapos acting.
“Pero though now, mas madami akong acting projects e, ako naman kung ano yung dumarating na ano e, basta importante sa akin palagi, maganda yung role,” sinabi pa ni Jeffrey.
Pero dito sa Obsesyon pang-ilan na niya ito na siya ang direktor and at the same time ay artista rin siya?
“Well, actually ito yung first major…major yung role, kasi I always make it a point na meron akong cameo sa films. “Sometimes medyo malaki-laki, pero ngayon yung first time na parang one of the lead characters.”
Mahirap bang idirek ang sarili?
“I guess, dahil sa ano natin, time limitation, medyo mahirap, kasi siyempre kapag minsan kapag nagdi-direk ka, alam mo yun, to save up on time, pinapanood mo na, hindi mo na kailangan i-preview kasi nakita mo na naman, e ngayon siyempre pag ako…ako yung nakasalang, kailangan kong panoorin ulit lahat-lahat, so medyo doble yung oras.”
May sex scenes ba siya sa Obsesyon?
“Meron din.”
Paano idirek ang sarili sa isang sexy scene?
“Panoorin ninyo. Ha! Ha! Ha!”
Mahirap?
“Okay naman. Ha! Ha! Ha! Abangan ninyo na lang.”
Sino ang ka-partner niya?
“Si Yda Manzano. Siya kasi yung ano e, siya yung asawa ko dun sa Obsesyon.”
Viva contract star si Jeffrey.
“Yes. Ever since 2021.”